"Pakiusap kay Sec Liling mula sa mga ALS Completers"

LEONOR MAGTOLIS BRIONES 

Secretary, Department of Education 

Meralco Avenue, Pasig City 

                                Attention: ASec G.H. AMBAT 


Ginagalangan na Sec. Briones: 

Nabasa po namin sa Facebook page ng Dep Ed 2.0 na tuloy na po ang A and E Exam.  Natutuwa po sana kami na matutuloy na rin sa wakas pagkatapos ng dalawang taon namin paghihintay pero nawindang po ang aming kalooban nang malaman namin na 21-59 taong gulang lamang an makakakuha ng exam at ito’y isang computer based test (CBT) A and E Test.

Nais po naming ipaabot sainyo na kung sa paper and pencil A and E Test ay kakaunti lamang ang nakakapasa mas lalo na pong mas marami sa amin ang babagsak sa Computer Based Test dahil karamihan sa amin ay walang  gadget at walang access sa internet. Sa ganyan pong polisiya ng Bureau of Assessment ay lalong dadami ang mga drop-outs at school leavers ngayong pademya. Paano na po kaming mga ALS na hindi pa nakaabot sa edad na 21?

Kaya sumulat po kami sainyo Mahal naming Kalihim ng Edukasyon na bigyan ng konsiderasyon kaming mga ALS completers. Nalaman din po namin na dahil sa lockdown ay nabigyan ng konsidersyon ang maraming mag aaral sa pormal na hindi nakakuha ng final periodical test ay nabigyan ng mass promotion. Ganito din po sana ang ibigay na oportunidad sa aming lahat na mga ALS learners/completers na nakakuha ng 28 points sa portfolio assessment  ay ikonsidera nang pasado. Ang mga portfolio namin ang magsisilbing isang mas makatotohanang basehan ng  assessment kumpara  sa isang isahan lang na paper and pencil A and E Test.

Isinasamo din po namin na mga ALS completers na 21 -59 taong gulang na nais kumuha at makapasa sa computer Based Test ay deretso na sa kolehiyo dahil wala pa namang ALS Senior High ngayong taon sa karamihan ng paaralan sa buong rehiyon ng bansa.

Kung bibigyan po ninyo ng pagkakataon ang aming hiling ay isang napakalaking tulong sa amin para kami makuha ng trabaho at makpag aral sa kolehiyo lalo na po ngayon na nasa isang malaking krisis tayo ng edukasyon.


Ang gumagalang,

SHEENA FAE Q. OLITOQUIT

ALS Completer 2019

President. Pamukid ALS Learners Association 


Comments

  1. Magandang araw poh sainyo maam, isa din poh aq sa completers ng als d2 sa dasmariñas cavite,sumasang-sangayon poh aq sa naunang sumulat s inyo. Ngunit meron lang poh sana aqng dagdag comment.napag alaman q poh n alng lht ng regular school student ay nbigyan ng pabor na pumasa kht walang final exam ay pasado na.tanung lang poh kami poh bang mga als student ay pasado na rin kht hnd pa nkakapag final exam?sana poh ay i-consider na kaming pasado kht walang exam.hindi lamang poh ito pra sakn kundi pra narin poh sa lht ng als learner na below 21 n gusto ng umusad to the next level of education.sana poh ay mapansin din itong comento ko salamat poh more power and god bless poh sa inyo

    ReplyDelete
  2. Umaayon po ako kay Sheena na isang ALS completer sa kanyang liham. Sana ay pakinggan ng ating DepEd officials ang pakiusap ni Sheena at ang ating mga ALS learners. Mahirap po ang online test, lalo na sa mga matatanda. Ang magagaling sa paggamit ng internet ay mga mas bata na learners (ngunit hindi naman sila kasama sa test).
    Magagaling po ang ating mga ALS teachers. Sila ay mga professionals, graduate ng college at nakapasa pa sa LET. Bilang mga experts sa learning, naituro nila sa mga ALS learners ang mahalagang kaalaman ayon sa ALS curriculum. Sana ay kung na-certify nila na natapos at nakapasa na ang isang ALS learner sa modules at kumpleto ang portfolio ay sana paniwalaan natin sila. Pagkatiwalaan natin ang ating mga guro at hayaan na sila ang magsasabi kung pasado na ang ating mga learners. Sana ay bigyan sila ng konsiderasyon ang ating mga ALS learners at hindi na sila pahirapan. Kailangan nila ng ALS certificate para sila ay makakuha ng mas maayos na trabaho o maka-usad sa kanilang pag-aaral. Ang ALS diploma ang magbibigay ng pag-asa upang maituloy at matupad nila ang kanilang naudlot na pangarap.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana po ipasa nalang po lahat ng batch 2019 2020, kasi chance na po namin ngayon bumawi sa pamilya, naming lahat,kasi ka naudlot naming mga pangarap, ito na po sana ang the big gift in 2019 2020 in my life,

      Delete
  3. Ako rin po ay isang als completer ngaung taon, Hiling ko lang po sana ay ipasa nalang po ang mga completers at di na mag exam, dahil po sa hirap ng idinudulot ng pandemya sa ating bansa....
    Sa mga tulad ko na may edad na, 31 na po ako at sa mga iba pa, sana ay maipasa nalang kami para magamit namen sa aming credentials sa paghahanap ng trabaho na kailangang kailangan ngayong panahon... Karamihan po naman po na nag ALS ay may mga edad na...
    At kung mag online exam man po, di naman po kaya ng lahat, dahil sa kakulangan sa pinansyal, at mga gadgets na kakailanganin, gayon din po sa mga malalayong lugar na mga walang signal....
    Sana po ay mapagbigyan kami ngayong taon na maging exempted sa exam dahil sa panahon ng pandemic...
    Bago naman po kami maging completer ay hinasa na kami ng aming mga guro, at sila ang may alam kung anong level na ang aming mga kakayahan sa edukasyon.... Sana ay pagbigyan kami lalo na sa mga tulad kung may edad na....

    ReplyDelete
  4. Ako rin po ay isang als completer ngaung taon, Hiling ko lang po sana ay ipasa nalang po ang mga completers at di na mag exam, dahil po sa hirap ng idinudulot ng pandemya sa ating bansa....
    Sa mga tulad ko na may edad na, 31 na po ako at sa mga iba pa, sana ay maipasa nalang kami para magamit namen sa aming credentials sa paghahanap ng trabaho na kailangang kailangan ngayong panahon... Karamihan po naman po na nag ALS ay may mga edad na...
    At kung mag online exam man po, di naman po kaya ng lahat, dahil sa kakulangan sa pinansyal, at mga gadgets na kakailanganin, gayon din po sa mga malalayong lugar na mga walang signal....
    Sana po ay mapagbigyan kami ngayong taon na maging exempted sa exam dahil sa panahon ng pandemic...
    Bago naman po kami maging completer ay hinasa na kami ng aming mga guro, at sila ang may alam kung anong level na ang aming mga kakayahan sa edukasyon.... Sana ay pagbigyan kami lalo na sa mga tulad kung may edad na....

    ReplyDelete
  5. Ako po ay isang als learning din po. 2 years na sa als. Noong taong 2018-2019 hindi po ako nakasama sa pag A&E dahil napagiwanan kami ng I.M namin hindi kami naasikaso. Kaya hindi po kami nakapag final exam. Noon time po na iyon nawala na ako ng pag asa mag aral ulit. Pero dahil sa kabaitan ng ibang I.M pumasok ako ulit. Umaasa na sana po this time ay isa sana ako or kami maging completer. Sa ngayon po ako nakapag temporary enroll sa Senior high school. Paanu po pala kong kami bumagsak sa A&E? Sayang po ang aming inilaan sa shs? Gusto ko na rin po makapagtrabaho magamit po ang diploma ng als. Para po makatulong sa aking pamilya lalo na po ngayon panahon ng pandemic. Sana po mapakinggan niyo po ang aming kahilingan na kong puwede po na ipasa na rin Kaming mga als learning batch 2019-2020. Complete portfolio naman po kami. Salamat po and God bless po sainyong lahat.🙏🏻

    ReplyDelete


  6. Umaayon po ako kay Sheena na isang ALS completer sa kanyang liham. Sana ay pakinggan ng ating DepEd officials ang pakiusap ni Sheena at ang ating mga ALS learners. Mahirap po ang online test, lalo na sa mga matatanda. Ang magagaling sa paggamit ng internet ay mga mas bata na learners (ngunit hindi naman sila kasama sa test). Magagaling po ang ating mga ALS teachers. Sila ay mga professionals, graduate ng college at nakapasa pa sa LET. Bilang mga experts sa learning, naituro nila sa mga ALS learners ang mahalagang kaalaman ayon sa ALS curriculum. Sana ay kung na-certify nila na natapos at nakapasa na ang isang ALS learner sa modules at kumpleto ang portfolio ay sana paniwalaan natin sila. Pagkatiwalaan natin ang ating mga guro at hayaan na sila ang magsasabi kung pasado na ang ating mga learners. Sana ay bigyan sila ng konsiderasyon ang ating mga ALS learners at hindi na sila pahirapan. Kailangan nila ng ALS certificate para sila ay makakuha ng mas maayos na trabaho o maka-usad sa kanilang pag-aaral. Ang ALS diploma ang magbibigay ng pag-asa upang maituloy at matupad nila ang kanilang naudlot na pangarap.

    ReplyDelete
  7. Guro man ay nahihirapan din.. Dobleng isipin ang kinakaharap ng karamihan sa guro sa ngayon..dagdag pa dito ang hirap ng pagkilos dahil sa pandemia.. Sana nga ay mapakinggan ang hiling ng guro at mag aaral nang 2019-2020..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami pang pagkakataon na mag Aral uli mga Completers. dahil January o December yata test Ng Aand

      Delete
  8. one thing to consider is that most of the learners are more than 25 years old. we do not expect this people to continue their studies in the senior high school. they just need their certificates that will enable them to take TESDA courses. if there is mass promotion in the formal school, why don't they apply it in ALS?

    ReplyDelete
  9. Maawa na po sana kau sa Batch 2019,dapat patas po ang lahat, bkt ung formal pinasa na samantala ang ALS learners napag-iwanan , d u ba naisip kung paano ito nakakaapekto sa knila, sa mga pangarap nila na makaahon sana sila sa hirap sa pamamagitan ng pagtatapos nila dto sa ALS, sana po pakinggan ninyo ang aming hinaing,GODBLESS at Salamat sa DIOS

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa kamay Ng ALS Implementer Kung Sonu sino ang qualified naabigyan Ng Certificate of Completion Naman Kaya may point mga pakiusap mga ALS Completers na most deserving

      Delete
  10. Sana po ipasa nlng po kmi ksi kagaya po ngyun ng uumpisa na kmi sa grade 11 ang hirap din po mg Hagilap ng answers... kya kung ttagal pa po taz mga 3rd grading na uumpisahan exam taz bagsak pa po sayang lng po pghihirap namin sa grade 11 taz bagsak lng po pgdating sa exam kasi di na nkpag review ksi focus na sa skul sa grade 11. Lalo na po ako 35 na po ako may isang anak, sana po ma'am Briones ipasa nlng po kami ma'am...
    Maraming salamat po...

    ReplyDelete
  11. Joel b. Almoete Sana po maipasa na LAng po kami dito sa Al's Para po mkapag kolehiyo na po kami Kaya nga po kami ng Al's Para po mapakali po ung pag aaral namin kasi Kung mag sesenior high pa kami matatagalan pa Lalo na need ko na po talaga makapag aral sa University mahirap po kasi maging senior high saka sa EDAD na Rin po namin po Kaya po mam Sana ipasa na Lang po kami

    ReplyDelete
  12. Hi po ito nga pala si orlando v abatayo jr po isang ama at may dalawang anak at nag tratrabaho sa isang construction worker at nag aaral ulit sa ALS sana po matulongan mo po kami maipasa sa aming araling pra mabigyan ko nang maginhawang buhay ang aking pamilya..maraming salamat po

    ReplyDelete
  13. Hi po ito nga pala si orlando v abatayo jr po isang ama at may dalawang anak at nag tratrabaho sa isang construction worker at nag aaral ulit sa ALS sana po matulongan mo po kami maipasa sa aming araling pra mabigyan ko nang maginhawang buhay ang aking pamilya..maraming salamat po

    ReplyDelete
  14. Hellow po Janice Flores po may isang anak!Nag aaral po ng aLs Sana po mapagbigyan po kmi . Khit may pandemic nag aaral po kmi ng mabuti gnagwa nmin Ang lahat para po makapasa Sana po mapagbigyan Ang kahilingan nmn . Ang ALS at tumutulong sa mga ndi nbgyan ng pagkakataon makapag Aral Ang mga taong ndi kayang pumasok sa school at tumigil dhl sa ibat ibang kadahilanan Sana po matulungan nyu kmi . Pursigido po kami .at ginagawa Ang lahat ng aming makakaya Sana po mabigyan kmi ng pagkakataon at matulungan . Kami poy lubos na nagpapasalamat ngayon palang sainyung maitutulong samin kaya salamat po .Sana po pagbigyan kmi!

    ReplyDelete
  15. Sana po ipasa na lng kami Ang Bach 2019 2020, dadagan na lang Ng module 2020, dun na lng base para pumasa,,,6module un

    ReplyDelete
  16. Sana po batch 2019 2020 ipasa na dahil sa pandemic na eto portfolio lang basehan tapos pag pumasa na sa portfolio

    ReplyDelete
  17. Alternative learning system from bacolod p,lanao del norte po sana pumasa kami sa als para makapag aral na kame ng grade 11 or senior high po eto lang naman pangarap namin d2 sana supporthan nyu kami maraming salamat po GOD BLesss...

    ReplyDelete
  18. Hello! Good evening po. I am Aiman C. Khalid an ALS LEARNER from Bacolod, Lanao del Norte. Sang-ayon po ako sa computer based test dahil sa pandemya na ating kinakaharap ngayon subalit hinihiling po namin na bigyan kami ng mahabang oras sa pagsagot sa kadahilanang hindi po stable ang internet connection natin sa pilipinas. I hope na ibaba po ang cutoff score upang marami pong makapasa at maipag patuloy ang kanilang pangarap. Maraming salamat po!

    ReplyDelete
  19. ALS STUDENT din po ako from Muntinlupa. Sana po deped mapakinggan nyo po ang aming hinaing bilang isang ALS STUDENT. 🙏🙏🙏

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

MGA HUGOT NG ALSIANS PARA SA DepEd-BEA

ALS4COLLEGE AT MGA HUGOT NG ALSIANS PARA KAY SEC. LILING

#SalamatSecLiling #ALSIANSloveSecLiling