Noong Marso 1, 2018 ay lumabas ang pahayag ni DepEd Secretary Liling Briones na binago ang passing grade ng A&E test noong Nobyembre 2017. Ang pahayag ni Sec. Liling ay matatagpuan sa pahina ng DepEd Official Statement . Salamat at pinakinggan nya ang mga ALS learners at mga guro na kumausap sa kanya at nagpadala ng apela sa Facebook, Tweeter, email at snail mail. Mayroon pang mga 21 ALS learners na mapayapang nagmartsa sa DepEd Central Office. Binanggit ni Secretary Liling sa kaniyang anunsyo na pagkatapos na masuri ng mas malalim ang A&E test noong Nobyembre ay napag-alaman niya na mayroong mga bagay na naka-sira sa fairness ng eksamen. Napakarami ang nagbunyi sa desisyong ito ni Sec Liling. Ayon sa pahayag ng DepEd , sa bagong passing grade ay 46.8% sa elementarya at 62.08% sa junior high school ang nakapasa. Lahat lahat, mga 111,813 na ALSians ang nakapagtapos ng programa at maaaring sumama sa graduation o moving up. Sila ay nabigyan ng bagong pag-asa na mapabut...
Comments
Post a Comment